バックナンバー
Sa lahat ng residente ng Wakayama Prefecture
配信日時:2022/03/17 17:00
Support e-mail para sa mga dayuhan sa Wakayama Prefecture【Vol.10】


Sa lahat ng residente ng Wakayama Prefecture


(1)Alam mo ba ang tungkol sa Portal Site para sa Pamumuhay ng mga Dayuhang Residente?

Ang Portal Site para sa Pamumuhay ng mga Dayuhang Residente ay isang website na ginawa ng gobyerno ng bansang Hapon.  
Ipinapaalam rito sa mga dayuhang residente kung ano ang kailangan at mahalaga para sa paninirahan sa bansang Hapon.
Mayroong iba’t ibang kapaki-pakinabang na impormasyon sa mga pamamaraan sa pagpasok at paninirahan sa bansang Hapon, Covid-19, pangangalagang medikal, pag-iwas sa sakuna, trabaho, edukasyon, batas sa bansang Hapon, at iba pa.
Ang site na ito ay may 15 wika kabilang ang Japanese, easy Japanese, English, Chinese, Filipino at Vietnamese.

https://www.moj.go.jp/isa/support/portal/index.html




(2)Pamilyar ka ba sa website ng pag-aaral ng wikang Hapon na “Tsunagaru Hirogaru Nihongo de no Kurashi”?

Ang “Tsunagaru Hirogaru Nihongo de no Kurashi” ay isang website na ginawa ng gobyerno ng bansang Hapon.
Maaari mong pag-aralan ang wikang Hapon na karaniwang ginagamit ng mga dayuhang naninirahan sa bansang Hapon.
Maaari kang mag-aral sa pamamagitan ng panonood ng mga video na gamit ang wikang Hapon.
Mapapanood mo ito sa 10 wika kabilang ang Japanese, Engligh, Chinese, Filipino at Vietnamese.

https://tsunagarujp.bunka.go.jp/







Maaari mong i-check ang iyong mga nakaraang e-mail mula sa URL sa ibaba.

https://a10.hm-f.jp/index.php?action=BN&gid=3&aid=731&bn_code=51a2db7303e1336ec7745467115ba0cb




Kung hindi mo kilala ang e-mail na ito, o kung nais mong mag- unsubscribe, mangyaring i-access ang URL sa ibaba upang mag-unsubscribe.

##__CANCEL_URL__##


《Support e-mail para sa mga dayuhan sa Wakayama Prefecture》