バックナンバー
Para sa mga residente ng Wakayama Prefecture
配信日時:2022/03/04 10:10
Support e-mail para sa mga dayuhan sa Wakayama Prefecture【Vol.9】


Para sa mga residente ng Wakayama Prefecture

(1)Alam mo ba ang tungkol sa isang app na tinatawag na "Safety tips"?
Ang “Safety tips” ay isang libreng aplikasyon na pinamamahalaan ng Japan Tourism Agency na nag-aabiso sa iyo ng tungkol sa lindol, tsunami, at impormasyon sa Japan. 
Makikita ito sa 14 na wika, kabilang na ang Wikang Hapon, Ingles, Intsik, Vietnamese, at Filipino.
Maaari mong i-install ang application mula sa iyong smartphone.

【Android】
https://play.google.com/store/apps/details?id=jp.co.rcsc.safetyTips.android

【iPhone】
https://itunes.apple.com/jp/app/safety-tips/id858357174?mt=8


(2)Suporta ng mga panukala para sa new coronavirus infection
 Ang bansa at prefecture ay naghanda ng iba't ibang sistema ng suporta para sa mga taong nahihirapang mamuhay o magpatakbo ng kanilang mga tindahan o kumpanya dahil sa mga epekto ng new coronavirus infection.

Halimbawa
・Suporta para sa pagbangon ng negosyo (benepisyo para sa mga negosyo na nakaranas ng isang sobrang pagbaba ng mga benta dahil sa new coronavirus infection).

・Hindi pangkaraniwan na pautang para sa mga pondong pangkapakanan (walang tubo na pautang para sa mga taong nangangailangan dahil sa pagbaba ng kita).
・Benepisyong Pabahay (tulong para sa upa para sa mga taong walang trabaho o nawalan ng negosyo ng mas mababa sa dalawang taon, o para sa mga taong ang kinikita ay nabawasan dahil sa kawalan ng trabaho, atbp., at ang sitwasyon ay katulad ng mga taong walang trabaho o nawalan ng negosyo)
Ang sumusunod ay maaaring gamitin
https://www.pref.wakayama.lg.jp/prefg/060100/d00204232_d/fil/shiensaku.pdf


Kung mayroon kang anumang katanungan tungkol sa sistema ng suporta na may kaugnayan sa new coronavirus, o kung ikaw ay nakakaranas ng paghihirap sa iyong pang-araw-araw na buhay, at ito ay mahirap na ikunsulta nang maayos sa wikang Hapon, tawagan lamang ang sumusunod na numero sa telepono.


Wakayama International Exchange Center
TEL: 073-435-5240
FAX: 073-435-5243
mail: wa-world@wixas.or.jp

■Araw at oras na may Filipino
 Lunes, Huwebes at Sabado 10 am~4 pm
■Araw at oras na may Ingles
 Lunes, Martes, Huwebes, Biyernes, Sabado at Linggo 10 am~5 pm
■Araw at oras na may Intsik
 Lunes, Martes, Huwebes, Biyernes, Sabado at Linggo 10 am~5 pm
■Araw at oras na may Vietnamese
 Huwebes 10 am~4 pm





Maaari mong i-check ang iyong mga nakaraang e-mail mula sa URL sa ibaba.

https://a10.hm-f.jp/index.php?action=BN&gid=3&aid=731&bn_code=51a2db7303e1336ec7745467115ba0cb




Kung hindi mo kilala ang e-mail na ito, o kung nais mong mag- unsubscribe, mangyaring i-access ang URL sa ibaba upang mag-unsubscribe.

##__CANCEL_URL__##


《Support e-mail para sa mga dayuhan sa Wakayama Prefecture》