バックナンバー
Sa lahat ng nakatira sa Wakayama Prefecture 
配信日時:2022/01/27 13:41
Support e-mail para sa mga dayuhan sa Wakayama Prefecture【Vol.8】


Sa lahat ng nakatira sa Wakayama Prefecture


◆Tungkol sa COVID-19

Kung ikaw ay may lagnat o ubo, maaaring ikaw ay nahawaan ng COVID-19.
Mangyaring huwag pumasok sa trabaho o paaralan at pumunta sa ospital.
※Kung may lagnat o ubo ang kapamilya, mangyaring huwag pumasok sa trabaho o paaralan.

Kahit na wala kang lagnat  ubo, magpa PCR test o antigen test kung ikaw ay nababahala.
※Makukuha mo ito sa mga parmasya ay iba pang lugar hanggang Pebrero 28.  Hindi kinakailangan ng pera.
  

Mga pasilidad para sa PCR test at antigen test (walang bayad)
https://www.pref.wakayama.lg.jp/prefg/011900/d00209126_d/fil/ichiran.pdf

※Kung mayroon kang sintomas na katulad ng mayroong sipon, tulad ng ubo o namamagang lalamunan, mangyaring  
 pumunta sa isang ospital sa halip na kunin ang libreng test na ito. 
※Ang mga nahusgahan ng health center na may malapit na kontak sa mga mayroong covid ay hindi maaaring kumuha ng 
 libreng test na ito.
※Maaaring wala nang stock ang ilang pasilidad, o maaaring kailanganin mong maghintay ng mahabang panahon, 
 mangyaring makipag-ugnayan nang maaga sa pasilidad.


  

Mangyaring iwasang lumabas nang hindi kinakailangan.
 
Ang impeksiyon ng COVID-19 ay kumakalat.  Mangyaring iwasang lumabas nang hindi kinakailangan sa buong prefecture.
Mangyaring iwasang lumabas sa mga lugar kung saan kumakalat ang impeksiyon, tulad ng Osaka Prefecture.
 






Maaari mong i-check ang iyong mga nakaraang e-mail mula sa URL sa ibaba.

https://a10.hm-f.jp/index.php?action=BN&gid=3&aid=731&bn_code=51a2db7303e1336ec7745467115ba0cb




Kung hindi mo kilala ang e-mail na ito, o kung nais mong mag- unsubscribe, mangyaring i-access ang URL sa ibaba upang mag-unsubscribe.

##__CANCEL_URL__##


《Support e-mail para sa mga dayuhan sa Wakayama Prefecture》