バックナンバー
Sa lahat ng mga residente ng Wakayama Prefecture
配信日時:2022/01/11 10:19
Support e-mail para sa mga dayuhan sa Wakayama Prefecture【Vol.5】


Sa lahat ng mga residente ng Wakayama Prefecture


〇Mag-ingat sa bagong coronavirus!

Para sa lahat, mangyaring mag-ingat sa bagong coronavirus kapag dadalo sa mga pagdiriwang at kaganapan na tradisyon at kaugalian ng iyong bansa. 


※Mga kinakailangang gawin

・Huwag lumahok sa mga kaganapan o kainan kung masama ang iyong pakiramdam.
・Mangyaring iwasan ang pakikilahok sa mga mataong lugar at maingay na kaganapan at kainan.
・Kapag dadalo sa mga kaganapan at kainan, magsuot ng mask, disimpektahin ang mga kamay, at panatiliin ang tamang distansiya sa pagitan ng mga tao.
・Maaari po lamang na iwasan ang pag-inom ng marami sa inyong lugar o sa mga restawran, o pag-inom hanggang hating-gabi.
・Isaalang-alang ang mga bagong paraan upang magsaya , tulad ng pananatili sa bahay o pakikilahok sa mga online na kaganapan.
・Kung sa tingin mo na ikaw ay nahawaan ng bagong coronavirus, maaari po lamang na magpunta sa institusyong medical.




〇Alam mo ba ang tungkol sa mga evacuation center?

Sa inyong bansa, saan ka tatakbo kapag may lindol, bagyo , o malakas na ulan?
Sa Japan, ang mga evacuation center at itinatayo upang magbigay ng lugar na matatakasan kapag may malakas na lindol, bagyo o malakas na pag-ulan.
Kung ang iyong bahay ay nasira ng lindol at hindi na maaaring manirahan dito, o kung may panganib na papasok ang tubig sa iyong bahay dahil sa malakas na ulan, tumakbo sa evacuation center.
Sa Japan, ang mga gymnasium ng paaralan at mga pampublikong bulwagan at kadalasang ginagamit bilang mga
evacuation center, kung saan ang mga tao ay makakakuha ng pagkain at inumin, maaaring manatili magdamag at magkaroon ng pakiramdam na ligtas.







Maaari mong i-check ang iyong mga nakaraang e-mail mula sa URL sa ibaba.

https://a10.hm-f.jp/index.php?action=BN&gid=3&aid=731&bn_code=51a2db7303e1336ec7745467115ba0cb




Kung hindi mo kilala ang e-mail na ito, o kung nais mong mag- unsubscribe, mangyaring i-access ang URL sa ibaba upang mag-unsubscribe.

##__CANCEL_URL__##


《Support e-mail para sa mga dayuhan sa Wakayama Prefecture》