バックナンバー
Mag-ingat tayo sa heat stroke
配信日時:2023/07/29 12:00
Support e-mail para sa mga dayuhan sa Wakayama Prefecture【Vol.55】

  Ang heat stroke ay isang kondisyon kung saan hindi gumagana ng maayos ang paggana ng regulasyon ng temperature ng katawan dahil sa matagal na pagkalantad sa mainit at mahalumigmig na kapaligaran, at naipon and init sa katawan.
  Maaari itong mangyari hindi lamang sa labas kundi maging sa loob ng bahay na
 kahit na wala kang ginagawa.  Ang heat stroke ay maaaring humantong sa pagdala 
sayo sa ospital gamit ang ambulansiya at maaari ka ring mamatay kung malala ang 
kaso.
  Alamin ang tamang kaalaman tungkol sa heat stroke at bigyang pansin ang mga pagbabago sa iyong pisikal na kondisyon. Gayundin, bigyan ng pansin ang iyong paligid upang maiwasan ang pinsala sa kalusugan na dulot ng heat stroke.  
Mag-ingat lalo kapag ang “Heat Stroke Alert” ay inilabas ng Japan Meteorological Agency.
  Para maiwasan ang heat stroke
①Gawing sapat ang tubig at asin sa katawan.
②Ayusin ang temperatura sa loob ng bahay gamit ang bentilador o aircon at suriin ang temperature ng kuwarto ng madalas.
③Gumamit ng payong at magsuot ng sombrero kapag nasal abas, at magpahinga sa lilim ng madalas.
④Magsuot ng damit na tumatagos ang hangin,moisture-absorbent at mabilis matuyo upang maiwasan ang pag-ipon ng init sa katawan.  Gayundin, palamigin ang katawan gamit ang coolant, yelo, malamig na tuwalya, atbp.

■  Leaflet tungkol sa pag-iingat sa heat stroke (Ministry of Health, Labor and Welfare)
https://www.mhlw.go.jp/seisakunitsuite/bunya/kenkou_iryou/kenkou/nettyuu/nettyuu_taisaku/pdf/necchushoyobou/necchushoyobou.pdf(Hapon)
https://www.mhlw.go.jp/seisakunitsuite/bunya/kenkou_iryou/kenkou/nettyuu/nettyuu_taisaku/pdf/necchushoyobou/necchushoyobou_en.pdf(Ingles)
https://www.mhlw.go.jp/seisakunitsuite/bunya/kenkou_iryou/kenkou/nettyuu/nettyuu_taisaku/pdf/necchushoyobou/necchushoyobou_sp.pdf(Intsik)
https://www.mhlw.go.jp/seisakunitsuite/bunya/kenkou_iryou/kenkou/nettyuu/nettyuu_taisaku/pdf/necchushoyobou/necchushoyobou_ph.pdf(Filipino)
https://www.mhlw.go.jp/seisakunitsuite/bunya/kenkou_iryou/kenkou/nettyuu/nettyuu_taisaku/pdf/necchushoyobou/necchushoyobou_vn.pdf(Vietnamese) 
■ Alerto sa pag-iingat sa heat stroke (Ministry of Environment)
https://www.wbgt.env.go.jp/alert.php(Hapon, Ingles, Intsik)
                         


Maaari mong i-check ang iyong mga nakaraang e-mail mula sa URL sa ibaba.

https://a10.hm-f.jp/index.php?action=BN&gid=3&aid=731&bn_code=51a2db7303e1336ec7745467115ba0cb




Kung hindi mo kilala ang e-mail na ito, o kung nais mong mag- unsubscribe, mangyaring i-access ang URL sa ibaba upang mag-unsubscribe.

##__CANCEL_URL__##


《Support e-mail para sa mga dayuhan sa Wakayama Prefecture》