バックナンバー
Impormasyon sa nasirang water pipe bridge (Oktubre 5 edisyon)
配信日時:2021/10/05 18:09
Support e-mail para sa mga dayuhan sa Wakayama Prefecture【Vol.2】


Sa lahat ng mga residente na naninirahan sa hilaga ng Kinokawa River sa Wakayama City

Dahil sa bahagyang pinsala sa Musota Water Pipe Bridge sa ibabaw ng Kinokawa River na nangyari noong gabi ng Oktubre 3, 2021, magsisimula ang konstruksiyon sa Miyerkules, Oktubre 6, upang masimulan ang pagdaloy ng tubig sa Biyernes, Oktubre 8.

Bilang karagdagan, ang mga emergency water station ay naitakda sa iba’t ibang mga lokasyon mula Oktubre 4, 2021, at simula sa Oktubre 5 ang mga sumusunod ay ang mga impormasyon sa mga emergency water station. 

21 na lokasyon (mababang paaralan o elementary schools)
Kada Elementary School, Nishiwaki Elementary School, Hachimandai Elementary School, Kimoto Elementary School, Matsue Elementary School, Kishi Minami Elementary School, Kishi Elementary School, Fujitodai Elementary School, Minato Elementary School, Nozaki Nishi Elementary School, Nozaki Elementary School, Fukushima Elementary School, Kusumi Nishi Elementary School, Kusumi Elementary School, Kusumi Higashi Elementary School, Narutaki Elementary School, Isao Elementary School, Isao Higashi Elementary School, Nogawa Elementary School, Kii Elementary School, Kawanaga Elementary School
(※Hindi magagamit ang water supply sa Yamaguchi Elementary School).

1 lokasyon (iba pang mga pasilidad)
Dating site ng JA Wakayama Yamaguchi Branch (Oktubre 5 lamang), Yamaguchi Nishi  Jido Koen oYamaguchi Nishi Children’s Park (mula Oktubre 6) 

Maaaring gamitin ang emergency water station mula alas 7 ng umaga hanggang alas 8 ng gabi.

Kapag pupunta sa isang emergency water station, siguraduhing magdala ng PET bottle o iba pang mga lalagyan.

Ang mga pampublikong pasilidad sa timog ng Kinokawa River(mga community center at mga tanggapan ng sangay ng Wakayama City Hall) ay maaari rin gamitin para sa supply ng tubig.

Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring makipag-ugnayan sa International Exchange Division ng Wakayama City
 (Ingles, Intsik at Koreano ay maaaring gamitin) Phone: 073-435-1010

Kung hindi mo kilala ang e-mail na ito, o kung nais mong mag- unsubscribe, mangyaring i-access ang URL sa ibaba upang mag-unsubscribe.

##__CANCEL_URL__##


《Support e-mail para sa mga dayuhan sa Wakayama Prefecture》