バックナンバー
Na-set up na ang emergency water supply station dahil sa pinsala sa tulay ng tubo ng tubig.
配信日時:2021/10/04 14:51
Support e-mail para sa mga dayuhan sa Wakayama Prefecture【Vol.1】


Na-set up na ang emergency water supply station dahil sa pinsala sa tulay ng tubo ng tubig.


Sa lahat ng mga residente na naninirahan sa hilagang bahagi ng Kinokawa River sa Wakayama City


Noong gabi ng Oktubre 3, 2021, isang bahagi ng Musota Water Pipe Bridge sa ibabaw
ng Kinokawa River ay nasira.
Bilang resulta nito, walang supply ng tubig at maaaring patuloy na walang supply nito sa hilagang bahagi ng Kinokawa River sa Wakayama City.


Ang mga lugar kung saan walang supply o maaaring mawalan ng supply ng tubig ay ang mga sumusunod:  
Nozaki District, Minato District, Matsue District, Kusumi District, Kishi District, Kimoto District, Nishiwaki District, Kada District, Isao District, Nogawa District, Kii District, Kawanaga District, Yamaguchi District


Bilang karagdagan, ang mga emergency water station ay naitakda sa mga sumusunod na lokasyon mula sa Octubre 4, 2021.
22 lokasyon(mababang paaralan o elementary school) 
Kada Elementary School, Nishiwaki Elementary School, Hachimandai Elementary School, Kimoto Elementary School, Matsue Elementary School, Kishi Minami Elementary School, Kishi Elementary School, Fujitodai Elementary School, Minato Elementary School, Nozaki Nishi Elementary School, Nozaki Elementary School, Fukushima Elementary School,
Kusumi Nishi Elementary School, Kusumi Elementary School, Kusumi Higashi Elementary School, Narutaki Elementary School, Isao Elementary School, Isao Higashi Elementary School, Nogawa Elementary School, Kii Elementary School, Kawanaga Elementary School, Yamaguchi Elementary School


Magagamit ang mga emergency water station mula alas 7 ng umaga hanggang alas 8 ng gabi.


Kapag pupunta sa isang emergency water station, siguraduhing magdala ng PET bottle o iba pang lalagyan.


Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring makipag-ugnayan sa International Exchange Division ng Wakayama City
 (Ingles, Intsik at Koreano ay maaaring gamitin) Phone: 073-435-1010







Kung hindi mo kilala ang e-mail na ito, o kung nais mong mag- unsubscribe, mangyaring i-access ang URL sa ibaba upang mag-unsubscribe.

##__CANCEL_URL__##


《Support e-mail para sa mga dayuhan sa Wakayama Prefecture》