バックナンバー
Para sa mga residente ng Preperaktura ng Wakayama
配信日時:2023/01/26 14:47
Support e-mail para sa mga dayuhan sa Wakayama Prefecture【Vol.36】

◆Tungkol sa antas ng babala at paglisan sa oras na may kalamidad na dulot ng pagguho ng lupa, malakas na ulan at bagyo
Sa oras na may kalamidad na dulot ng pagguho ng lupa, malakas na ulan at bagyo, ang munisipyo ay maglalabas ng impormasyon sa paglisan batay sa limang antas ng babala.  Tingnan ang impormasyon sa TV, internet, atbp., at tiyaking lumikas nang naaangkop ayon sa antas ng alerto.  Kung inilabas ang paglisan batay sa antas na 4, dapat agad na lumikas ang lahat sa isang malapit na ligtas na lugar. 
Maaari ka ring makatanggap ng impormasyon sa paglisan sa pamamagitan ng paggamit ng "Safety Tips", isang application ng paglalaan ng impormasyon tungkol sa kalamidad sa iba’t-ibang wika na pinangangasiwaan ng Japan Tourism Agency, kaya siguraduhing irehistro ito sa iyong smartphone.

※Impormasyon sa paglisan ayon sa 5 antas ng alerto
・Alerto Antas 5: Biglaang pangangailangaan ng pagtiyak sa iyong kaligtasan ... Ang mga buhay ay nasa panganib, kaya protektahan ang iyong buhay.
・Alerto Antas 4: Tagubilin para sa paglisan ... Ang lahat ng mga tao ay dapat agad na lumikas sa isang malapit na ligtas na lugar
・Alerto Antas 3: Ang paglisan ng matatanda ... Ang mga matatanda at may kapansanan na nangangailangan ng oras upang lumikas ay dapat ng lumikas.
・Alerto Antas 2: Malakas na Ulan, baha, at babala tungkol sa bugso ng bagyo ... Maging handa para sa paglisan at kumpirmahin ang mga pamamaraan ng paglisan.
・Alerto Antas 1: Impormasyon sa Maagang Pag –iingat ...Bigyang -pansin ang bagong impormasyon at tingnan ito ng maigi.

■Flyer ng 5 Antas ng Alerto at Impormasyon sa Paglisan
https://www.bousai.go.jp/oukyu/hinanjouhou/r3_hinanjouhou_guideline/pdf/PH_omote.pdf

■Safety tips(Tip tungkol sa Kaligtasan)
Android: https://play.google.com/store/apps/details?id=jp.co.rcsc.safetyTips.android
iPhone: https://itunes.apple.com/jp/app/safety-tips/id858357174?mt=8



Maaari mong i-check ang iyong mga nakaraang e-mail mula sa URL sa ibaba.

https://a10.hm-f.jp/index.php?action=BN&gid=3&aid=731&bn_code=51a2db7303e1336ec7745467115ba0cb




Kung hindi mo kilala ang e-mail na ito, o kung nais mong mag- unsubscribe, mangyaring i-access ang URL sa ibaba upang mag-unsubscribe.

##__CANCEL_URL__##


《Support e-mail para sa mga dayuhan sa Wakayama Prefecture》