バックナンバー
Sa lahat ng residente sa Wakayama Prefecture
配信日時:2022/09/22 10:02
Support e-mail para sa mga dayuhan sa Wakayama Prefecture【Vol.22】

◆Alam mo ba ang tungkol sa libreng legal na konsultasyon para sa mga dayuhan? 
Ang Wakayama International Exchange Center ay nagbibigay ng libreng legal na konsultasyon sa isang regular na batayan sa pakikipagtulungan ng mga abogado at iba pang mga espesyalista.  Ang mga abogadong kinontrata ng Hoterasu (isang pangkalahatang sentro ng impormasyon na itinatag ng pamahalaan para sa paglutas ng mga legal na problema) ay nagbibigay ng mga konsultasyon sa mga problema tungkol sa karapatang pantao tulad ng power harassment, sa mga kasong sibil, domestic affairs, at administribo tulad ng problema sa paggawa at may kaugnayan sa diborsiyo (*hindi saklaw ang mga kasong kriminal).

Maaari ring makipag-ugnayan sa Hoterasu sa pamamagitan ng telepono anumang oras.

Ang parehong serbisyo ay maaaring gamitin ang maraming wika (Japanese, English, Chinese, Filipino, Vietnamese, atbp.).

■Wakayama International Exchange Center
Petsa at oras (kinakailangan ang reservation):  Ikatlong Huwebes ng odd-numbered na mga buwan mula 1:00 pm hanggang 4:00 pm.
TEL:073-435-5240
E-mail:wa-world@wixas.or.jp

■Hoterasu Multilingual Information Service
TEL:0570-078377
Available sa mga karaniwang araw mula 9:00 am hanggang 5:00 pm
Flyer ng impormasyon (Filipino)
https://www.houterasu.or.jp/multilingual/index.files/flyer_tagalog3.pdf



Maaari mong i-check ang iyong mga nakaraang e-mail mula sa URL sa ibaba.

https://a10.hm-f.jp/index.php?action=BN&gid=3&aid=731&bn_code=51a2db7303e1336ec7745467115ba0cb




Kung hindi mo kilala ang e-mail na ito, o kung nais mong mag- unsubscribe, mangyaring i-access ang URL sa ibaba upang mag-unsubscribe.

##__CANCEL_URL__##


《Support e-mail para sa mga dayuhan sa Wakayama Prefecture》