バックナンバー
Sa lahat ng residente sa Wakayama Prefecture
配信日時:2022/08/22 10:29
Support e-mail para sa mga dayuhan sa Wakayama Prefecture【Vol.19】

◆Mag-ingat sa mga bagyo.
Sa Japan, kung minsan may dumarating na mga bagyo, lalo na mula Agosto hangang Oktubre.  Kapag papalapit ang bagyo, nagdudulot ito ng malakas na ulan at malakas na hangin, na nagiging sanhi ng mga sakuna tulad ng storm surge, pagbaha, at pagguho ng lupa.  Huwag lumabas at lumayo sa mga panganib na lugar.

※Paghahanda nang maaga
・Upang maiwasan na tangayin ng hangin ang mga bagay na nasa labas ng bahay tulad ng mga nasa balkonahe o hardin, ilagay ang mga ito sa loob ng bahay.
・Maaaring mawalan ng kuryente, kaya maghanda ng flashlight at portable na baterya.
・Maghanda ng pagkain tulad ng mga de-lata at chichirya, at tubig.
・Alamin nang maaga kung saan dapat lumikas at kung paano makakarating doon.
・Palaging suriin ang pinakabagong impormasyon sa panahon.

■NHK video
1.Lumikas bago bumaha:
https://www3.nhk.or.jp/nhkworld/en/ondemand/video/9999a10/

2.Mag-ingat sa mga bagyo:
https://www3.nhk.or.jp/nhkworld/en/ondemand/video/9999a11/



Maaari mong i-check ang iyong mga nakaraang e-mail mula sa URL sa ibaba.

https://a10.hm-f.jp/index.php?action=BN&gid=3&aid=731&bn_code=51a2db7303e1336ec7745467115ba0cb




Kung hindi mo kilala ang e-mail na ito, o kung nais mong mag- unsubscribe, mangyaring i-access ang URL sa ibaba upang mag-unsubscribe.

##__CANCEL_URL__##


《Support e-mail para sa mga dayuhan sa Wakayama Prefecture》